Solo

We can all be part of helping someone's dream come true! Empower through education! We believe in education, we believe in their dreams!

My Story

MAGBAHAGI NG SAYA, MAGBAHAGI NG PAG-ASA!

Halos apat na taon na ako sa Teach Peace Build Peace Movement. Bawat paaralan at bawat komunidad, iba ang storya - may bigat, may saya, pero lahat may pag-asa!

Sa Teach Peace Build Peace Movement, kami ay pumupunta sa mga non-conflict at conflict areas. Noong first time ko sa Mindanao, may pag-aalala, syempre mapapalayo sa bahay, sa nakasanayan, sa comportable. Pero nung nandoon na kami, nakasama na namin ang mga tao sa komunidad, yung mga yakap, pagbati, at pag tanggap nila, hindi ko naramdaman na bago ako sa komunidad, sa mga unang pagkikita palang, alam mong hindi ka iba sa kanila, dahil hindi naman talaga! Doon naramdaman ko na lahat ay pamilya. Pamilya na pumupuno sa puso. Na bawat pag-uwi ko sa Maynila ay may bitbit ako na ngiti at pag-asa na galing sa kanila. 

Sabay sabay tayo na magbahagi rin ng pag-asa sa ating mga kapatid sa Maguindanao at Lanao! Lagi kong naaalala kung gaano kasaya na merong mga bagong school supplies bawat pasukan! Yung may mga picture ng artista sa harap ng notebook hahaha.

Naniniwala ako sa edukasyon para sa pagbabago at pagmulat sa mga kabataan! Naniniwala ako sa bawat bata at yung kaya nilang gawin ngayon para sa kinabukasan. 

ONE DREAM KIT GOES A LONG WAY!!! 

HOW CAN YOU HELP? 

Sponsor a Learner | Php 200.00 - Each school pack costs Php 200.00 with a drawstring bag , 6 pieces of grade-sensitive notebooks, 5 pencils/ball pens, 1 crayon, 1 ruler, 2 pads of paper and scissors

Sponsor a Class | Php 10,000.00 - 
A normal class in our 8 Kapatiran School is 50 students per class. Make everyone happy by sponsoring a class for Php 10,000.00

LET'S DREAM TOGETHER, PEACE HEROES!!! 
LEARN MORE ABOUT THE PEACE GIFTS PROJECT HERE: http://bit.ly/peacegifts2018

Recent Donors

Comment via Facebook